Hotel Sogo namigay ng libreng bottled waters nitong Semana Santa

Nagbigay ang Hotel Sogo ng libreng bottled waters sa mga libu-libong deboto at byahero noong Huwebes Santo, April 18, sa buong bansa bilang bahagi ng kanilang ‘Kwaresma 2019’ campaign.

Sa tulong ng mga piling Hotel Sogo branches na malalapit sa simbahan kabilang ang Cainta, Novaliches, Avenida, Harrison Pasay, Tarlac, at Cebu, nag-set up sila ng kani-kanilang booths para maipamahagi ang libreng bottled waters sa ating mga kababayang nagsagawa ng kinaugaliang Visita Iglesia.

Ang pamimigay ng ready-to-drink bottled waters ay para makatulong sa ating mga kababayang nagsagawa ng kani-kanilang aktibidad ngayong Holy Week at pampawi ng kanilang uhaw lalo na ngayong summer season.

Sa tulong ng ilang pangunahing simbahan at local barangay units, ang Hotel Sogo Novaliches branch ay nagtayo ng booth sa Shrine of Our Lady of Divine Mercy, ang Harrison Pasay branch ay nagtayo malapit sa Baclaran Church, ang Cebu branch naman ay malapit sa Basilica Minore del Santo Niño de Cebu at habang ang Tarlac branch ay nakaposisyon sa San Sebastian Cathedral - Tarlac.

Ang Hotel Sogo Cainta naman ay nagtayo malapit sa Our Lady of Antipolo Shrine para mabigyan ng tubig ang dagsa ng mga deboto na nagsasagawa ng ‘Alay Lakad.’ Samantalang ang Avenida branch na malapit sa Minor Basilica of the Black Nazarene ay nagtayo ng booth sa tapat ng hotel building.

Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng kanilang Corporate Social Responsibility (CSR) sa ilalim ng programang Sogo Cares na nagsasagawa ng mga community service, relief operations, donation activities at medical missions sa buong bansa.

Ang Hotel Sogo ay ang nangungunang hospitality at lodging provider sa Pilipinas na may 39 branches na kung saan nagbibigay ng dekalidad na hotel services sa abot kayang halaga.

Para sa iba pang impormasyon at Hotel Sogo events and promotions, bisitahin ang www.hotelsogo.com o i-like / follow ang kanilang Facebook, Twitter, at Instagram page @hotelsogo.

See More See More